Isang araw pagkatapos ng nanay kong maligo at Magbihis.
*_*: “Nak, bagay ba sa akin ‘tong damit ko?”
0_0 (without looking, busy texting): “yup, bagay sa’yo”
*_*: “E anong color kaya ng sapatos bagay dito?” (kala mo naman marami siyang shoes.)
0_0: “ kahit ano”
*_* (babatuhin ako ng towel): “sige, wala ka ng ginawa kundi mag-text?! Wala na nga kayong naitulong sa bahay na ito pati sagot sa mga tanong ko hindi niyo inaayos”
0_0 (shocked): “sinagot ko naman ah?!” (bastos na anak)
*_*: oo, sinagot mo nga. Hindi mo naman ako tinitingnan. Paano mo malalaman kung bagay sa akin? Tanga.
0_0: ‘my, kahit ano naman bagay sayo. Maganda ka kahit anong suot mo, mas maganda ka pa rin sa akin, syempre photocopy lang ako, ikaw ang original copy diba?!
LUSOT!
Papasok na ako ng school. (hayskul pa ako nito)
0_0 (mag-blebless): ‘my, babay!
*_*: oh? Ano ba naman yang suot mo? Para ka naming hindi papasok ng skul niyan. Mag-bihis ka.
0_0: ‘my, mag-aaral ako at hindi ako rarampa sa skul kaya ok na ‘to.
*_*: oh e di sige! Mag-aral ka ng mabuti ha? Para kahit na mukhang nag-papabili ka ng cellophane sa palengke e basta nag-aaral ka.
TAGAM!
Just recently..
*_*: ‘nak, pagsabihan mo nga yong mga kapatid mo dun sa kwarto na tumigil ng maglaro ng computer.
0_0: oki. Hoy mga swanget! Lumabas na daw kayo. Tama na yan.
After 2 hours.
*_*: mye! Mye!
0_0: andito po ako sa kwarto
*_* (pumasok sa kwarto) : oh, pinalabas ko na yung mga kapatid mo tapos ikaw naman ang nandito?
0_0: ‘my, book 2 na ako sa bookworm (bookworm adventure to, paunahan kasi kami maka-open ng arena mode)..talo na kita.
*_*: as if naman (ganito talaga yung reaction niya, walang halong edit),akin pa rin ung longest word. (lumabas ng room)
0_0: na-bitter nanaman ang magaling kong mother (murmur).
*_*(pumasok ng kwarto): oh, tawag ka ng tatay mo, alis na jan (seryoso siya nito)
0_0: ay, bakit daw? (so, umalis din ako)
After 5 mins.
0_0: ‘my, hindi man daw niya ako tinawag.
*_*: joke lang bitaw yun.
0_0 (shocked nanaman ako kasi nakaupo na siya sa chair at nakaharap sa computer, naglalaro ng bookworm at pilit na nag-iisip ng word na makakatalo sa kalaban.): kaya pala.
NGE!
Kahit ilang beses mo akong batuhin ng towel, kahit iyo pa ang longest word sa bookworm, kahit na ilang beses mong sawayin ang suot ko at kahit ilang beses mo pa akong tawaging tanga..
MAS MAGANDA PA RIN AKO SA’YO.
JOKE LANG!
SAYO PA RIN AKO NAGMANA
JOKE ULIT.
SERYOSO NA ITO……
Love na love pa rin kita.
Happy mother's day umi ko!
P.S
Hango sa totoong kwento ang lahat ng kwentong nanjan sa taas.
Madami pa sana ako ishi-share, kaso parang ang haba naman.
Next mother’s day ulit.
Isang patunay na ganyan kasayang maging nanay yang nanay ko.
At ganyan kami ka-close.
Saturday, May 09, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






1 comments:
namiss ko tuloy mother ko.. hahah..
Post a Comment